ALBERTA (AFP) — Iniulat ng mga awtoridad sa kalusugan ng Canada nitong Miyerkules ang unang kaso ng isang tao na nahawahan ng H1N2 na virus, isang bihirang strain ng swine flu.
Ang kaso, napansin sa kanlurang lalawigan ng Alberta noong kalagitnaan ng Oktubre, ay lumilitaw na isolated “and there is no increased risk to Albertans at this time,” sinabi ng mga lokal na opisyal ng kalusugan sa isang pahayag.
“This is the only influenza case reported in Alberta so far this flu season,” saad sa pahayag.
Idinagdag na ang pasyente na hindi pinangalanan ay nakaranas ng banayad na mga sintomas tulad ng trangkaso, “was tested and then quickly recovered. There is no evidence at this time that the virus has spread further.”
Tinitingnan ng mga opisyal sa kalusugan ng Canada kung saan nagmula ang virus, at upang mapatunayan na hindi nga ito kumalat.
Mula noong 2005 ay 27 kaso lamang sa buong mundo ang naiulat tungkol sa mga taong nahawahan ng H1N2 - na naiiba sa mas karaniwang H1N1 swine flu virus. Walang mga kaso sa Canada bago nito.
Ang H1N2 strain ay hindi isang sakit na nauugnay sa pagkain at hindi ito maililipat sa mga tao sa pamamagitan ng pagkain ng baboy o iba pang mga produktong baboy, sinabi ng mga opisyal.
“This a rare type of flu in humans, typically acquired from exposure to infected pigs and not known to spread easily from human to human,” isinulat ni Theresa Tam, Chief Public Health Officer of Canada, sa Twitter.