AYUSIN ‘YAN!

Ni Marivic Awitan

IGINIIT ni Clint Aranas, magtatangkang agawin ang panguluhan ng Philippine Olympic Committee, na hindi dapat pahintulutang bumoto ang mga  national sports associations (NSA) na hindi kuwalipikado.

Ayon kay Aranas, pangulo ng National Archery Federation, na may ilang NSAs ang nagtataglay ng mga ‘expired corporate documents’ at nasa gitna ng ‘leadership dispute’ kung kaya’t marapat lamang na hindi payagan na makilahok sa eleksyon ng POC sa Nobyembre 27.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

May 51 voting members ang POC bukod pa ang dalawang athletes commission representatives na sina Hidilyn Diaz at Jessie Lacuna at si International Olympic Committee representative  Mikee Cojuangco-Jaworski para sa kabuuang  54.

ARANAS

ARANAS

“The voting members are 54, but there will be some disqualifications because some organizations have been discovered to be suspended by the Securities and Exchange Commission. Yung iba naman questionable ang leadership dahil may pending cases,” pahayag ni  Aranas sa kanyang pagbisita sa Philippine Sportswriters Association (PSA) online forum nitong Martes.

Ngunit, hindi pinangalanan ni Aranas ang mga tinutukoy na NSA's. Gayunman, sinabi niyang magpapadala sila ng disqualification memo sa POC election committee na binubuo nina Teodoro Kalaw, Frank Elizalde at Danny Concepcion.

“We will be filing our disqualifications soon not because it’s the election period because they are not qualified to vote. Come on guys, you were given four years to settle (your papers), but you still failed to do it. You should do corporate housekeeping,” sambit ni Aranas.

Haharapin ni Aranas sa halalan ang grupo ni incumbent POC president  Rep. Abraham "Bambol" Tolentino.

"I'm not trying to 'hard sell' my bid to become the POC president in this most challenging period for sports,” aniya.

Si Aranas ay isang tax lawyer at dating opisyal sa gobyerno. Umaasang tatalunin niya si Tolentino, na naging pangulo noong Hulyo 2019, nang mag-takeover sa di-natapos na termino ni boxing chief Ricky Vargas, kapag ang ipinairal ng mga botante ay ang kanilang "best judgment".