Sinabi ng Commission on Elections na halos 300,000 first time voters ang nagparehistro para sa pambansa at lokal na halalan sa Mayo 2022.

Sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa Twitter nitong Miyerkules na 270,308 first time voters ang nagparehistron hanggang nitong Oktubre 30 ngunit malayo pa rin sa kanilang target na tatlong milyong bagong mga botante.

“@COMELEC target is 3M new voters who will be 18 on or before May 9,2022,” sinabi ni Guanzon. “Help us encourage young people to register,” dagdag niya.

Ipinagpatuloy ang voter registration para sa halalan sa Mayo 2022 noong Setyembre 1 maliban sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine o modified ECQ.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sinabi ng poll body na awtomatikong magpapatuloy ang pagpaparehistro ng mga botante sa mga lugar sa ilalim ng ECQ o MECQ sa sandaling ang quarantine status ay maibaba sa general community quarantine o modified general community quarantine o kung ang quarantine ay ganap na naalis.

Ayon sa Comelec, ang mga aplikasyon para sa pagpaparehistro ay maaaring isumite mula Lunes hanggang Huwebes, 8 :00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon sa Office of the Election Officer.

Ang kwalipikadong magparehistro ay ang mga taong hindi bababa sa 18 taong gulang sa o bago ang Araw ng Halalan, o sa Mayo 9, 2022; residente sa Pilipinas ng hindi bababa sa isang taon; at naninirahan sa lugar kung saan nilalayon niyang bumoto ng hindi bababa sa anim na buwan sa o bago ang Araw ng Halalan.

-Leslie Aquino