NANGGULAT last Tuesday, November 2, si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram post na naka-bathing suit siya kasama ang kanyang mga anak na sina Frankie at Miel Pangilinan, mga anak niya sa husband niyang si Senator Kiko Pangilinan. Bago siya nag-post nito, nagpakita si Sharon na nagti-thread mill siya dahil gusto raw niyang pumayat, bumili raw kasi siya ng mga bagong dress at kailangang magkasya siya roon.

sharon

Caption ni Sharon: (seems like these were forever ago...) O ayan na. Kahit di pa payat, pumapayat naman. Isipin nyo na lang ito: “Maputi sya (pwera ankles to feet ko kasi yun lang nasisikatan ng araw!) Makinis, at kahit pawisan buong maghapon magdamag kahit walang pabango, mabango siya talaga! Eh, totoo naman. Sabi ko nga, may bagyo naman, so gulatin ko kayo. Tandaan nyo sabi sa Bible “Thou shalt not judge” ha! Pwede matawa bawal umiyak at nega. Mega lang puede. Hahaha! Happy Monday, everyone! Thank you Jesus umalis ang bagyo!!! Salamat po, safe kaming lahat!!!”

-NORA V. CALDERON
Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula