LONDON (AFP) — Si Prince William, pangalawa sa trono ng British, ay nahawaan ng coronavirus noong Abril ngunit itinago ang kanyang diagnosis, iniulat ng media nitong Lunes.
Sinabi ng pahayagang Sun na ang Duke ng Cambridge, 38 anyos, ay na-diagnose ilang sandali matapos ang kanyang amang tagapagmana ng trono na si Prince Charles, ay inihayag na kinapitan ng virus noong huling bahagi ng Marso.
Ngunit hindi niya isinapubliko ang diagnosis “because he didn’t want to alarm the nation”, sinabi ng tabloid. Iniulat din ng BBC ang kuwento, na sumipi sa isang source sa palasyo.
Hindi kinumpirma ng Kensington Palace office ni William ang mga ulat nang kontakin ng AFP ngunit hindi rin itinanggi na totoo ang mga ito.
Ginamot ng mga doktor ng palasyo ang prinsipe, na nakahiwalay sa bahay ng pamilya sa Norfolk, silangang England, kung saan patuloy siyang nagtrabaho sa pamamagitan ng telepono at video call, sinabi ng Sun.