UMABOT sa P1.1 bilyong halaga ng pinsala sa agrikultura ang iniwan ng Super Typhoon Rolly, pagbabahagi ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar.
Sa isang press briefing kasama ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Lunes, sinabi ni Dar na naglabas na ng abiso ang DA sa mga magsasaka na ang mga taniman ay dinaanan ng Bagyong Rolly.
“At least 242,000 hectares of rice in Regions 1 (Ilocos), 2 (Cagayan), 3 (Central Luzon), 4A (Calabarzon), and 5 (Bicol Region) and 11,000 hectares of corn in Regions 1, 2, 5, and 8 (Eastern Visayas) were provided notice of forecasts from the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) of the incoming super typhoon,” aniya.
Ang mga palayan ay may katumbas na equivalent production cost na higit 1 milyong metriko tonelada na nagkakahalaga ng P16.9 billion habang ang taniman ng mais ay may 45,703 metriko tonelada na nagkakahalaga ng P579 million, ayon pa sa Department of Agriculture (DA).
Pagbabahagi ni Dar, nakipag-ugnayan na sila sa mga sangkot na ahensiya ng pamahalaan, mga lokal na pamahalaan, at iba pang DRRM-related offices para sa pondo na maaaring magamit sa pagtulong.
Nakipagpulong na rin sila sa ilang water management related agencies para sa flood risk monitoring at paglalabas ng tubig ng dam water.
“We have ongoing close monitoring [procedures] for validation of the agricultural damages and losses that may have been incurred in the sector,” aniya.
Una rito, nag-iwan ang Bagyong Quinta ng halos P2 bilyong pinsala sa agrikultura.