DAHIL sa ginawa nilang pamumuno sa kani-kanilang koponan upang umangat sa upper half ng standings, kapwa nahirang sina Vic Manuel ng Alaska at Beau Belga ng Rain or Shine bilang PBA Press Corps Players of the Week noong nakaraang Oktubre 26 -Nobyembre 1 sa ginaganap na 2020 PBA Philippine Cup restart sa Pampanga.

Nagposte si Manuel ng average na 21 puntos, 7 rebounds at 2.5 assists sa naitalang dalawang laro ng Aces noong nakaraang linggo na nag-akyat sa kanila sa ikalimang puwesto hawak asng kartadang 5-3, panalo-talo.

Nag deliver si Manuel ng 18 puntos at 7 rebounds sa 99-96 na panalo nila kontra Terrafirma bago umiskor ng 24 puntos at 7 rebpunds sa 105-97 na panalo nila kontra sa kaibigang si Calvin Abueva at sa koponan nitong Phoenix.

Kumamada naman si Belga ng double-double 20 puntos at 10 rebounds na may kasama pang 4 na assists nang igupo ng Rain or Shine ang dating namumunong Barangay Ginebra, 85-82 sa nag-iisang laro nila noong nakaraang linggo.

Carlos Yulo, Aira Villegas at Nesthy Petecio, natanggap na house and lot incentives!

Dahil dito, umakyat ang Rain or Shine sa solong ikalawang puwesto hawak ang barahang 4-1, panalo-talo.

Samantala, napili naman ang NLEX neophyte na si Mike Ayonayon bilang Rookie of the Week dahil sa naging kontribusyon nya sa ginawang pagsilat ng Road Warriors sa dating walang talong TNT.

Umiskor si Ayonayon ng 8 puntos at 3 rebounds off the bench bilang backup nina Kiefer Ravena at Kevin Alas sa 109-98 na panalo nila kontra Tropang Giga na nagtaas sa NLEX sa barahang 2-5.

Marivic Awitan