BALIK ang aksiyon sa PBA ‘bubble’.
Ipinahayag ng premyadong pro league sa bansa ang pagpapatuloy ng naunsiyaming laro simula sa Nobyembre 3 ,atapos magpalasbas ng bagong ‘guidelines’ ang Inter-Agency Task Force (IATF).
Nagsimula na kahappm ang ensayo ng mga koponan upang maihanda ang sarili sa pagbabalik ng laro sa Martes.
Nauna rito, tumalima ang PBA sa panawagan ng IATF na itigil muna ang mga laro matapos magkaroon ng dalawang kaso ng COVID-10 sa isagn referee at player ng Blackwater na kalaunan ay lumabas na negative sa ginawang retesting.
Kabilabg sa bagong guidelines ng IATF ang kompletong 10-day isolation ng Blackwater player matapos ang isinagawang swabbing bagp p[ahintulang maglaro at kompletong 14- day quarantine at testing bago pumason sa bubble sa mga bagong kaso ng virus.
Naglagay din ng independent marshall upang mangasiwa at magsagawa ng pagsusuri kung nasusunod ang ‘health and safety’ protocols na inirekomenda ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Bilang dagdag na safety measure, sa pakikipagtulungan ng Clark Development Corporation (CDC), magtatayo ang liga ng hiwalay na temporary quarantine facility sa Clark Freeport Zone.
“These additional protocols from health experts are put in place to ensure the integrity of the bubble,” pahayag ng PBA sa media via online.
“We would like to reiterate that the PBA bubble has not been breached, but we must always strengthen our protocols in consultation with the IATF and NTF to ensure the safety of everyone in the bubble.”
-Marivic Awitan