Nagsalansan ang nahirang na Finals MVP na si Levi Hernandez ng 24 puntos upang pamunuan ang nasabing panalo nila sa Game 4 na nagluklok sa kanila sa trono mula ng lumahok sila sa liga noong isang taon.

Tinapos ng Pampanga ang best-of-five finals series sa markang 3-1.

Nag-ambag naman sa nasabing panalo ng tig-11 puntos sina Michael Juico at Mark Tamayo.

Ikinatuwa naman ni Pampanga Delta coach Dennis Pineda ang ipinakitang laro ng kanyang koponan na hindi na hinayaan ang katunggaling PAOwer na makapuwersa pa ng Game 5.

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players

Namuno naman para sa La Union sina Jayson Apolonio at Mitchelle Maynes na tumapos na may 21 at 15 puntos ayon sa pagkakasunod.

Bagamat natalo, nakapagtala pa rin ang La Union ng respetadong pagtatapos sa torneo sa unang beses nilang pagsali dito.

Marivic Awitan