AFTER masungkit ng Ilongga beauty ang korona ng Miss Universe Philippines 2020 para bang kakabit na niya ang mga iba’t ibang issues na ipinupukol sa kanya. Pero sadyang palaban si Rabiya para sagutin ang mga lumalabas na balita tungkol sa kanya.
Kamakailan nga lang ay may kumalat sa social media ang throwback picture niya na dekada na ang ibinilang. May mga bumabatikos sa kung anong hitsura ni Rabiya noong siya ay nasa high school pa. May pa-before and after pa silang ipinost sa socmed. Infairness sa old photo niya sa year book kita pa rin ang angking ganda ng dalaga at nakalagay doon ang mga achievements niya gaya ng First Honorable Mention, Best in Communication at Performer of the Year. Consistent ang llongga sa pagiging masipag at matalinong mag-aaral na naging Cum Laude sa pagtatapos niya ng college sa kursong Physical Therapy at University Valedictorian sa Iloilo Doctor’s College sa Molo, Iloilo City.Ipinost ni Rabiya sa kanyang Instagram Stories ang kanyang pahayag tungkol sa kumalat na picture na tiyak marami ang naghihintay sa magiging reaksyon ng beauty queen.Ika niya, “This is me 11 years ago. I still didn’t have my braces. I don’t how to put make up. I’m not aware of what angle flatters me most but that is still me.“A lot of things happened in that period of time. I grew up and became more mature. I was able to invest in myself and practice self-love. If there would be one thing that I want other people to know about me is that I’m beautiful then and now. The only thing difference is now, I know better.”May patama si Rabiya sa mga mapagmintas o judgmental sa physical na anyo ng ibang tao. Sey niya, “PS, stop calling anyone ugly. If that’s how you see things and maybe then, it’s your soul that needs a surgery.” Yun na!
-Dante A. Lagana