CABANATUAN CITY – Aabot sa P1.6 milyong halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isang operasyon na ikinaaresto ng dalawang Chinese sa Barangay Sumacab Sur sa nasabing lungsod, nitong Biyernes ng gabi.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang dalawang suspek na sina Jayson Tan at James Ong at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sa report ng Cabanatuan City Police, sina Tan at Ong ay naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 3, Nueva Ecija Provincial Police Office, Intillegence Service of Armed Forces of the Philippines (ISAFP), National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at Cabanatuan City Police nang makumpiska sa kanila ang 240,000 gramo ng shabu sa Diversion Road sa nasabing lungsod.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang dalawa upang matukoy ang pinagkukunan nila ng droga.
Bukod sa iligal na droga, nasamsam din sa dalawa ang isang Mitsubishi L300 van (EIN-497) na umano’y ginagamit ng mga ito sa kanilang operasyon.
Light A. Nolasco