DELETED na ang caption sa post ni Julia Barretto sa Instagram sa photo niya na nakasuot siya ng pink dress at ang caption ay “Out here minding my own business.” Napagkamalan kasi ng netizens na reaction niya ang caption sa diumano’y pambubuking ni Kim Chiu sa relasyon nila ni Gerald Anderson.

julia

Kaya para wala ng maling akala, binura ni Julia ang caption sa kanyang post. Naiwan ang kanyang litrato, kaya tuloy ang pagpo-post ng netizens. Hindi lang ang caption ang dinelete ni Julia, sinet din niya sa “comments on this post have been limited” kaya wala na ring makapag-comment.

Si Gerald, wala pang reaction sa diumano’y pambubuko ni Kim sa kanila ni Julia at mas maganda kung hindi na siya magsasalita para wala ng isyu. Para kasing hindi matitigil ang isyu kina Gerald at Julia hanggang hindi sila nagsasalita.

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

-NITZ MIRALLES