NAGING emosyonal ang Prima Donnas star ng GMA-7 na si Aiko Melendez sa ginanap kamakailan na pa-surprise dinner party ng kanyang longtime boyfriend na si Zambales Vice Governor Jay Khonghun. Kaalinsunod ito sa selebrasyon ng kanilang third love anniversary.
Memorable ang naturang kaganapan kaya naman nasa Youtube Channel din ito ni Aiko. Sa umpisa ng vlog habang hinahatid siya ng kanyang boyfriend papasok sa mismong venue may music background ito na Bakit Ngayon Ka Lang. Sey ni Aiko sa caption: “I thought it was just a simple dinner…Little did I know, VG planned a surprise dinner with our families and friends. The place was filled with my favorite flowers. At this time I still don’t have any idea.”Bongga ang mga bulaklak dahil kahit yung side ng hagdanan na lalakaran paakyat ni Aiko ay inadornahan ng mga ito. Dahil diyan namangha si Aiko sabay sambit ng wow at hanep daw sa production design. Sa effort na ginawa ng dyowa ni Aiko, kilig at kasweetan ang nararamdam niya nang gabing iyon. Nagulat si Aiko dahil hanggang sa venue ay punung puno ng bulaklak at nang makarating na siya sa mismong place ng selebrasyon bumungad sa kanya ang isang live music na kumakanta sa saliw ng awiting Dahil Mahal Kita. Doon na bumigay si Aiko, umiyak at naging emosyonal na siya sa sobrang tuwa.Sinorpresa rin siya ng mga close friends and relatives nila na pawang naroroon at isa na rito ang anak niyang si Marthena at kanyang inang si Mommy Elsie. Sa selebrasyon, naging bonding ng boyfriend ni Aiko at anak na si Marthena ang magduet sa awiting Kahit Ayaw Mo Na. Nagduet namang umawit ang mag-inang Aiko sa kantang Weak.Well, for sure masaya rin si Vice Governor Jay dahil success ang pa-surprise celebration niya sa kanyang one and only love. Sa sobrang saya at tuwa ni Aiko nagpasalamat, niyakap at hinalikan niya ang kanyang boyfriend. Aww! Ang sweet naman. Yun na!
-DANTE A. LAGANA