Gamit lamang ang kanilang mga kamay, hinukay ng rescuers ang mabibigat na mga bloke ng kongkreto nitong Biyernes sa desperadong paghahanap para sa mga nakaligtas matapos ang isang malakas na lindol na pumatag sa mga gusali sa buong Greece at Turkey, at pumatay ng 22 katao.

Ang lindol sa hapon ay nagdulot ng mini-tsunami sa isla ng Aegean ng Samos at sea surge na ginawang ilog ang mga kalsada sa isang bayan sa west coast ng Turkey.

Sinabi ng US Geological Survey na ang 7.0 magnitude na pagyanig ay tumama may 14 na kilometro mula sa bayan ng Karlovasi, Samos sa Greece.

Naramdaman kapwa sa Istanbul at Athens, nagbigay daan din ito ng diplomatikong pagbubukas para sa dalawang magkaribal, na sa bibihirang pagkakataon ay tinawagan ni Greek Prime Minister Kyriakos Mitsotakis si Turkish President Recep Tayyip Erdogan upang magpaabot ng kanyang pakikiramay at suporta.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Mga pasyente sa ospital sa kalye

Karamihan sa mga pinsala ay naganap sa Aegean resort city ng Izmir ng Turkey, na may tatlong milyong mga residente at puno ng mga matatayog na apartment blocks.

Ipinakita ng aerial footage na napatag ang buong mga bloke ng lungsod.

Sinabi ng alkalde ni Izmir na si Tunc Soyer sa CNN Turk na 20 gusali ang gumuho.

Tinatayang tataas pa ang bilang ng mga nasawi.

AFP