Mga Laro Ngayon
(AUF Gym-Angeles City,Pampanga)
4:00 n.h. -- Blackwater vs Terrafirma
6:45 n,g. -- Meralco vs TNT
BUMALIKWAS sa natamong unang kabiguan sa ‘bubble’ ang tatangkain ng TNT sa pagsagupa sa sister squad Meralco sa tampok na laro ngayong gabi sa pagpapatuloy ng 2020 PBA Philippine Cup restart sa Pampanga.
Magtatapat ang Tropang Giga (5-1) at ang Bolts (3-3) sa ikalawang laban ganap na 6:45 ng gabi pagkatapos ng unang bakbakan sa pagitan ng Blackwater(2-3) at winless pa ring Terrafirma (0-5) ganap na 4:00 ng hapon.
Naputol ang 5-game winning streak ng TNT noong nakaraang Huwebes nang igupo sila ng sister team din nilang NLEX, 98-109 kaya naman inaasahang magsisikap silang makabawi para mapangalagaan ang kanilang pananatili sa pangingibabaw.
Magbabalik aksiyon naman pagkatapos ng magkasunod na postponement ng kanilang mga laro, sisikapin ng Blackwater Elite na muling makapasok sa winners circle upang patatagin ang kapit nila sa top 8.
-Marivic Awitan