Naiibang role ang hindi tinanggihan ni Kapuso actress Sanya Lopez, para sa bagong episode na Halloween special ng drama anthology hosted by Ms. Mel Tiangco, ang Magpakailanman.
Malaking challenge kay Sanya ang story ni Mayet, na halos gabi-gabi ay nagiging biktima ng sexual assault mula sa isang demonyo. Pero dahil walang nakakakita sa krimen na nagaganap sa kanya, hirap siyang patunayan sa mga mahal niya sa buhay, lalo na sa kanyang asawang si Vic, ang nangyayari sa kanya. Hanggang sa umabot na nga sa punto na nag-aaway na silang mag-asawa dahil hindi nga rin ito naniniwala sa kanyang kalagayan.
Paano kaya mapapatunayan ni Mayet na totoo ang sinasabi niya? Totoo kayang may demonyo na umaabuso sa kanya?
Kasama ni Sanya bilang si Mayet si Pancho Magno as Vic, kasama rin sina Angeli Bayani at Mon Confiado.
Abangan ang Halloween special ng #MPK, ang Halimaw sa Kama, ngayong Sabado, October 31, 8:15PM,sa GMA-7.
Nora V. Calderon