Nanawagansi Ria Atayde via Twitter na tulungan siyang hanapin ang basher na pinagbantaan siya at pinagsalitaan ng masasama. Na-screenshot at na-save ni Ria ang message sa kanya ng may Twitter handle na “sandrachuikang4181” dahil sa ipinadalang messages sa kanya.

“Please help me find the person who owns this account. No one should ever wish someone death. This isn’t something I will take lightly.”

Nagagalit ang basher dahil nali-link si Ria kay JM de Guzman, kaya may halong selos ang galit nito kay Ria.

Parte ng hate message ng basher kay Ria: “ Kala mo kagandang babe mukha naman lola. Mahiya ka sa sarili mo dahil ang pangit mo higad ka higad. Maligo ka ng suka ng mawala yan kati mo sa katawan kung gusto mong magpadilig maghanap ka ng katulad mo.”

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

May mga nagpaabot ng concern kay Ria na kanyang sinagot ng, “Uy guys. Keri lang ako emotionally h hahaha. Di lang kasi tama yung ganun. May hangganan din dapat ang pambabash. Bata pa ako at 28. Ayoko pa mamayat pls. Don’t wish that upon me. Pero salamat sa pagmamahal at pag reassure. I appreciate it.”

Nitz Miralles