BILANG karagdagang programa para matugunan ang ‘health and safety’ protocol na ipinatutupad ng pamahalaan, inilunsad ng Philippine Racing Club, Inc. ang mobile payment platform para sa mabilis at ligtas na pakikiisa ng bayang karerista sa lahat ng karera sa Santa Ana Park.

Ikinatuwa ni PRCI Executive Vice President at COO Santiago Cualoping III ang magiflang pagtanggap ng bayang karerista sa inilunsad na Mobile Offtrack Betting Facility (MOTB) nitong Miyerkoles (Oct. 28) kung saan umabot sa 1,000 ang kumuha ng kanilang mga accounts sa loob lamang ng ilang oras.

“The MOTB replaces the traditional United Tote system,” pahayag ni Cualoping.

bago2

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Tunay na kaginhawaan ang sistema kung saan magagawang makilahok sa programa ng PRCI at makukuha ang tinamaan na premyo sa pamamagitan ng bank transfer (BDO, Union Bank) at G-cash.

Iginiit ni Cualoping na maraming pamamaraang teknikal mula sa modernong Sistema ang kanilang pinag-aralan, subalit mas pinili nila ang MOTB dahil matutugunan nito ang pangangailangan ng industriya matapos ipahayag ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang paglimita sa mga mananaya sa  off-track betting stations.

“During this difficult time of COVID, we looked toward mobile solutions that bring convenience and, more importantly, the safety of our patrons by launching the mobile OTB,” aniya.

Aniya, ang PRCI’s mobile betting platform ay aprubado ng dalawang ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa industriya ng karera sa bansa – ang Philracom (regulation) at Games and Amusements Board (GAB) (betting).

Nitong Oktubre 28, sa sulat ni GAB Chairman Abraham Mitra sa PRCI, pinayagan ng GAB Board ang naturang mobile betting platform para sa forecast, trifecta, quartet, Daily Double Plus One, Pick 4, Pick 5, Pick 6, at Winner Take All pools.

“After the thorough testing and evaluation conducted by GAB on the MOTB, GAB’s Board approved the use of the mobile betting platform on the win, forecast, trifecta, quartet, Daily Double Plus One, Pick 4, Pick 5, Pick 6, and Winner Take All pools,” ayon sa sulat ng GAB.

Katuwang ng 83-year old racetrack company ang Bizooku Philippines, Inc. para makuha ang serbisyo ng NorthAlley India Pvt. Ltd., -- isang ISO-certified firm – para sa pagbuo ng ‘application’s creation and support’ gamit ang makabagong teknolohiya, kabilang ang ‘cloud computing and blockchain’.

Kumpiyansa si Cualoping na matutugunan ng MOTN system ang pangangailangan ng PRCI, higit sa katotohanan na pitong racing club sa India ang nago-operate gamit ang NorthAlley’s totalizator mula noong 2017.

“We need to disrupt the industry by injecting new technology,” pahayag ni Cualoping.

“We want to market to millennials and other untapped markets nationwide. The MOTB can reach them as well as racing aficionados based abroad, who have been asking for so long for a way to participate in their beloved Philippine races.”

“I appreciate and respect the legacy of the racing industry, but we need to keep up with the times and open horseracing to completely new markets. If need be, PRCI will be the ‘sacrificial lamb’ to try and give our industry a boost. This is our long-term vision that will benefit all industry stakeholders,” aniya.

Para sa bayang karerista, maaring makapagrehistro para sa MOTB sa  motb.prci.com.ph at sundan ang PRCI report sa Facebook para sa karagdagang detalye.