Ayaw pangunahan ni Kris Aquino ang PureGold sa pag-a-announce na siya ang kanilang bagong brand ambassador, kaya clues muna ang kanyang ibinigay sa kanyang post sa Instagram.
“I’ll give tbem the due courtesy to make the formal announcement, but starting early this November, i’m embarking on a project that a lot of you, my followers, have long been asking for... PURE ang intention nila na magbigay ng konting kaligayahan sa ilang piling linggo (meaning Sundays & not weekly)- siguro nga dahil gusto nilang magpasalamat na sa gitna ng pandemic na pinagdadaanan ng buong mundo, they remain the GOLD standard for providing excellent value for money pagdating sa essential needs ng bawat pamilyang Pilipino.
“Maraming salamat sa kanila for thinking of this special project for me, and thank you because nangulit kayo sa mga social media accounts ko, nagsabing naghihintay lang kayo, na monitor nila, and that’s why this is happening.”
Speaking of Kris, consistent ito sa kanyang sagot na sa December, sasabihin niya ang rason kung bakit sa isang condo unit sa BGC sila naka-stay ngayon ng mga anak na sina Josh at Bimb.
“I’ll explain our situation by December... for now it’s easier for my sons & me if i keep quiet. I hope you understand,” sagot ni Kris sa mga nagtatanong.
-Nitz Miralles