LAGUNA- Patay ang umano’y lider ng drug syndicate at miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at nasa special list ni Pangulong Rodrigo Duterrte nang makipagbarilan umano sa isang buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Bunggo, Calamba City, nitong Huwebes ng umaga.

Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si JO3 Joseph Rey Villegas, 49, nakatalaga sa BJMP facility sa San Pablo City at taga- Calamba-Tagaytay Road ng naturang lugar.

Sa rekord ng pulisya, si Villegas na pinuno ng Villegas Drug Group na kumikilos sa Laguna 2nd District ay kabilang din sa High Value Individual (HVI) sa provincial level ng pulisya.

Sa ulat, kabilang sa nagsagawa ng operasyon ang Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Laguna Provincial Police Office 2nd District Team, kasama ang Regional Intelligence Division (RID-4A), Regional Special Operations Unit (RSOU-4A),1st Laguna Provincial Mobile Force Company (LPMFC) at Calamba City Police Station (CPS) laban sa suspek sa barangay road, dakong 10:10 ng umaga.

Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City

Lumaban umano ang suspek na nagresulta sa agarang kamatayan nito, ayon sa pulisya.

Narekober sa crime scene ang 50 gramo ng shabu, buy-bust money, Taurus pistol .9mm na service firearm nito mula sa BJMP, anim na basyo, tatlong basyo ng 5.56 rifle, mga bala ng kalibre .9mm, at Suzuki Raider motorcycle.

-Danny Estacio