Nasorpresaang real-life sweethearts na sina Gabbi Garcia and new Kapuso actor na si Khalil Ramos, sa new project na ibinigay sa kanila ng GMA Network. Nasa GMA lamang sina Gabbi at Khalil last Thursday, dahil kailangan nilang magpa-swab test para sa taping ng bagong show ni Gabbi na In Real Life (IRL), a youth-oriented reality program, para sa GMA News TV. Special guest niya sa pilot episode si Khalil.

gabbi at khalil

Pero nagulat sila nang bago sila umalis, may iniabot na isang red big envelope sa kanila, na nagsasabing mayroon silang isang proyektong gagawin, a mini-series, na sila ang magkatambal.

Siyempre pa ay tuwang-tuwa si Khalil dahil hindi pa siya nagtatagal na lumipat sa Kapuso network ay sunud-sunod na ang projects na ginagawa niya. Nakapag-guest agad siya ‘Bawal Judgmental’ segment sa Eat Bulaga, at sa All-Out Sundays sa GMA-7.

Tsika at Intriga

'I don’t have to explain myself to anyone!' BINI Jhoanna, nag-repost sa kabila ng dating rumor kay Skusta Clee

Nakakatuwa ang reaksyon nina Gabbi at Khalil sa sorpresang tinanggap nila pero sekreto pa ang tungkol sa new project, pero may title na itong Love You Stranger. Very soon ay magkakaroon daw ito ng big reveal.

Gabi-gabi pa ring napapanood si Gabbi sa recap ng Encantadia sa GMA-7 pagkatapos ng 24 Oras.

-NORA V CALDERON