NICE (AFP)— Isang lalaki na may patalim ang pumatay sa tatlong katao sa isang simbahan sa southern France nitong Huwebes, pinugutan ang isang 60-taong-gulang na babae sa tinawag ni President Emmanuel Macron na isang “Islamist terrorist attack.”

Nagsisindi ng mga kandila ang mga tao sa labas ng Notre-Dame de l’Assomption Basilica sa Nice, France bilang tribute sa tatlong namatay sa jihadist attack. (AFP)

Nagsisindi ng mga kandila ang mga tao sa labas ng Notre-Dame de l’Assomption Basilica sa Nice, France bilang tribute sa tatlong namatay sa jihadist attack.
(AFP)

Ang 21-taong-gulang na Tunisian migrant, na may hawak ng kopya ng Koran at tatlong mga kutsilyo, ay sumigaw ng “Allahu Akbar” (God is Greatest) nang lapitan ng pulisya na bumaril at seryosong sugatan siya, sinabi ng anti-terror prosecutor ng France na si Jean- Sinabi ni Francois Picard sa isang press conference.

Sa loob ng halos kalahating oras na siklab ng galit sa basilica ng Notre-Dame sa sentro ng Nice, ang salarin ay gumamit ng patalim na may 12 pulgadang haba para laslasin ang lalamunan ng isang 60-taong-gulang na babae na sa lalim ay halos mapugutan ng ulo, sinabi ni Picard. Namatay ang babae sa loob ng simbahan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Isang bangkay ng 55-taong-gulang na lalaking empleyado ng simbahan ang natagpuan malapit sa loob ng basilica, nilaslas din ang kanyang lalamunan.

Ang isa pang babae, 44-taong-gulang na tumakas sa simbahan sa patungo sa malapit na restawran, ay namatay din ilang sandali pagkatapos sanhi ng maraming mga sugat ng patalim.

Ang mga biktima ay “people targeted for the sole reason that they were present in this church at that moment,” sabi ni Ricard.

Ang pag-atake, idinagdag pa niya, ay isang paalala na “the deadly ideology of Islamist terrorism is very much alive”.

Sinabi ni Nice Mayor Christian Estrosi sa mga mamamahayag sa lugar na pinangyarihan ng krimen na ang salarin “kept repeating ‘Allahu Akbar’ even while under medication” habang dinala siya sa ospital.

Napigilan ang mas maraming kamatayan

Sinabi ni Ricard na ang umaatake ay isang Tunisian, na ipinanganak noong 1999, na dumating sa Italy noong Setyembre 20, at pagkatapos ay sa France noong Oktubre 9.

Sa isang bag na naiwan niya sa lugar na pinangyarihan, natagpuan ng mga imbestigador ang dalawang hindi nagamit na kutsilyo, at sinabi ng tagausig na ang pulisya na bumaril sa kanya “without any doubt prevented an even higher toll.”

Naganap ang mga pagpatay, bago banal na araw ng mga Katoliko ng All Saints Day sa Linggo, na nag-udyok sa gobyerno na itaas ang terror alert level sa pinakamataas na antas ng “emergency” sa buong bansa.

Ang mga simbahan sa buong France ay nagpatunog ng mga death knell, ang tradisyonal na tunog ng kampana upang markahan ang isang pagkamatay, dakong 3: 00 ng hapon.

Pinalakas ang seguridad sa paaralan

Inanunsiyo ni Macron, mabilis na naglakbay sa Nice, ang mas pinaigting na surveillance sa mga simbahan ng Sentinelle military patrols, upang mapalakas sa 7,000 na tropa mula sa 3,000.

Pinalakas din ang seguridad sa mga paaralan, aniya

“Quite clearly, it is France that is being attacked,” sinabi ng president, sumumpa na ang bansa “will not give up on our values”.

Ang France ay naging target ng laganap na galit sa mundo ng Islam matapos ang pangako ni Macron na lalabanan ang mga radikal matapos ang pamumugot sa isang guro noong ng Oktubre 16 ng isang ekstremista nang ipakita niya sa mga estudyante ang mga cartoon ni Propeta Mohammed sa isang aralin sa malayang pamamahayag.