MAY isyu ang ibenebentang suka ni Vina Morales na isa sa mga produkto ng kanyang Inday Beena’s Best online business.

vina

Sabi ni Vina, “I love to do business po small or medium, masipag po ako. Pasensya na hindi na pwede ilagay ang “Pinakurat” word sa business... Let’s change po sabi ni atty. Lucille, “Sukang Binisaya” na lang, let’s use that po sa lahat na hindi puwede mag-mention ng Pinakurat sa business nila po... ayaw ko ng issue. Maliit na bagay lang po ang Pinakurat. Basta INDAY BEENA’s BEST po tayo. Salamat po.”

Bawal daw gamitin ang pinakurat at may nauna nang may-ari, nasita si Vina o nagsumbong ang unang nagparehistro ng “Pinakurat,” kaya hindi na puwedeng gamitin. Hindi lang naman si Vina ang pinagbawalang gumamit sa pinakurat dahil pati ang ibang nag-attempt na gamiting sa kanilang negosyo ang “Pinakurat.”

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

Anyway, hindi lang suka ang ibenebenta ni Vina dahil may Gourmet Tuyo (spicy at original), Gourmet Bagoong, Peanut Butter at Dried Fish.

Pinost ni Vina ang sample product ng suka at wala na nga ang salitang “Pinakurat,” nilagyan na ng takip at sabi ni Vina, magpapa-print siya ng bagong product label ng “Sukang Binisaya.”

-NITZ MIRALLES