LIMANG dekada na ang nakalilipas ng inilunsad ng Sampaguita Starmaker Dr. Jose R. Perez, ang sampung bagong mukha dubbed as Stars ‘66. Kabilang sa mga guwapong lalaki sina Dindo Fernando, Pepito at Ramil Rodriguez, Edgar Salcedo at Bert LeRoy Jr. Ang pambato sa drama ay si Dindo na paboritong aktor ng yumaong Direk Danny Zialcita. Si Pepito ang ka-loveteam si Rosemarie Sonora. Matagumpay na businessman si Pepito na nagdiwang ng kaarawan last Oct. 23. Two years ago nang namayapa ang kapatid niyang si Ramil. Sumakabilang-buhay na sina Dindo, Edgar at Loretta Marquez.
Si Rosemarie ang naging asawa ng aktor na si Ricky Belmonte at mother ni Sheryl Cruz. Sa America naninirahan sina Rosemarie, Blanca Gomez (kapatid ni Daisy Romualdez) at Shirley Moreno with their respective families.
Tiyak na marami pa rin nakakakilala kay Gina Pareno ang “pasaway” among Stars ‘66. Close friend siya ni Dr. Love at laging binabati sa kanyang radio program. Siya na lamang ang aktibong lumalabas sa pelikula at telebisyon. Hindi pahuhuli si Gina sa takbo ng panahon at kayang kaya pa niyang mag-Tiktok ngayong panahon ng pandemya.
-REMY UMEREZ