NGAYONG nakalipat na si Kapuso actor Rocco Nacino sa bago niyang bahay sa Antipolo City, ano ang susunod niyang gagawin tungkol sa relationship nila ng girlfriend na si Melissa Gohing?

“Mag-iipon ako ulit,” sagot ni Rocco. “Tapos we’ll see how it goes. Sa ngayon ay madalas ang bonding namin ni Melissa, lalo na at tapos na nga akong magtaping ng aming nagbabalik nang Descendants of the Sun: The Philippine Adaptation. At ang bago nga naming bonding, ang pag-aalaga ng plants. Malaki ang naitutulong nito sa aming relasyon. Ito ang bago naming hobby.”
Kamakailan nga ay pumunta sila sa Plant Bazaar and Exhibit sa Barangay Alabang sa Muntinlupa City para mag-ikot-ikot at bumili ng bagong plant babies.
“ P a r e h o kaming nag-enjoy lalo na si Melissa, dahil certified plantita na siya. Natuwa ako na habang umiikot kami, lahat ng tao ini-explain nila yung scientific names ng mga plants.”
Samantala, masaya si Rocco na inabangan ng mga netizens ang muling pagbabalik ng DOTS PH last Monday, October 26, na recap ng simula ng serye hanggang sa November 4, at sa November 5, mapapanood na ang mga fresh episodes na ginawa nila.
-NORA V. CALDERON