WASHINGTON (AFP) — Kinumpirma ng US Senate ang konserbatibong jurist na si Amy Coney Barrett bilang pinakabagong justice ng Supreme Court noong Lunes, na naghahatid kay President Donald Trump ng isang napakahalagang panalo walong araw bago ang halalan.

Amy Coney Barrett  (AFP)

Amy Coney Barrett (AFP)

Kaagad pagkatapos ng botong inihayag ng White House na dadaluhan ni Trump ang isang “swearing-in ceremony” para kay Barrett sa South Lawn ng mansion.

Si Chief Justice John Roberts ang namahala sa judicial oath nitong Martes sa Supreme Court, na pormal na pinasinayaan ang kanyang termino.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Si Barrett, isang 48-taong-gulang na relihiyosong konserbatibo, ay pumalit sa namayapang si justice Ruth Bader Ginsburg, ang liberal icon at tagapagtaguyod ng mga karapatan sa kababaihan na namatay noong Setyembre 18 sa edad na 87.