Nagpositibo si Poland President Andrzej Duda sa coronavirus, kinumpirma ng kanyang aide nitong Sabado, habang nahaharap ang bansa sa panibagong pagtaas ng kaso.

“Ladies and Gentlemen, as recommended President @AndrzejDuda was tested yesterday for the presence of coronavirus. The result turned out to be positive. The president is fine,” pahayag ni Blazej Spychalski, secretary of state sa Twitter.

Bagamat hindi pa malinaw kung kailan nahawa ang pangulo, dumalo ito sa isang investment forum sa Tallinn nitong Lunes kung saan siya nakipagkita kay Bulgarian President Rumen Radev na nasa quarantine ngayon.

Sumailalim naman ang buong Poland sa “red zone” lockdown nitong Sabado, kabilang ang pansamantalang pagsasara ng mga primary schools at restaurants.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ang hakbang na ito ay ipinatupad matapos maitala ng bansa ang 13, 632 kaso ng virus sa loob ng 24-oras nitong Sabado.

Pinakiusapan na ang mga Poles na manatili muna sa mga bahay hangga’t maaari.

AFP