SINABI nitong nagdaang linggo ng International Monetary Fund (IMF) na ang ekonomiya sa Asia at Pacific region ay nagsisimula nang maka-recover “tentatively, but at multiple speeds”.
Inaasahang bababa ng 2.2 porsiyento ang ekonomiya sa rehiyon ngayong 2020 ngunit ngunit makababawi ng 6.9 porsiyento sa 2021, habang ang global expectations ay nasa minus 4.4 porsiyento para sa 2020 at 5.2 porsiyento para sa 2021, ayon sa ulat.
“The forecasts remain highly uncertain, with significant downside risks,” pagbibigay-diin sa ulat.
Bilang pagbibigay-babala sa malaking epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa mga low-income workers, kababaihan at mga bata, binanggit din sa ulat na mahalaga ang tulong na pinansyal upang mabawasan at malimitahan ang epekto nito sa ekonomiya.
“These distributional effects could be even larger in the medium term as robots displace low-skilled workers, and the resulting higher levels of inequality could undermine social cohesion,” dagdag pa.
Sa panahon ng pandemya sa Asia at Pacific region, sinabi ng IMF na maraming bansa ang matagumpay na napigilan ang unang bugso ng virus.
“A small group is still striving to flatten the pandemic curve (India, Indonesia, Philippines), and yet others remain largely free of Covid-19 (most Pacific island countries),” paliwanag pa sa ulat.
Nabanggit din dito ang muling pagtaas ng aktibidad sa ekonomiya, na nagsisimula sa China.
“After hitting a trough in February 2020, China’s growth received a boost from infrastructure, real estate investment, and a surge in exports, mainly of medical and protective equipment, as well as work-from-home-related electronics,” saad pa.
Bilang pagbanggit naman sa sitwasyon ng India sa pandemya, binigyang-diin ng ulat na kumitid ang aktibidad ng ekonomiya ng bansa sa 24 porsiyento sa taunang basehan sa ikalawang bahagi ng 2020.
Ang COVID-19, na nagsimula sa China noong Disyembre ng nakaraang taon, ay nakahawa na sa milyon-milyong tao sa buong mundo at malalim na nakapinsala sa maraming ekonomiya.
Nasa 1.7 porsiyento ang GDP growth expectations ng ulat para sa 2020 at 8 porsiyento para sa 2021 sa Emerging Markets and Developing Economies (EMDEs).
Sa mga EMDE, ilang bansa kabilang ang Bangladesh (3.8 porsiyento), Myanmar (2 porsiyento), China (1.9 porsiyento), at Vietnam (1.6 porsiyento) ang inaasahang kakikitaan ng positibong paglago ng GDP ngayong 2020 sa kabila ng epekto ng pandemya.
Inaasahan namang babagsak ang ekonomiya ng India nang 10.3 porsiyento ngayong taon, at makababawi ng 8.8 porsiyento sa susunod na taon.
Habang ang mga bansa ng Pilipinas, Thailand, Malaysia, at Sri Lanka ay kabilang sa inaasahang makapagtatala ng pinakamasalimuot na pagbagsak ng GDP na may 8.3 porsiyento, 7.1 porsiyento, 6 porsiyento, at 4.6 porsiyento, sa pagkakasunod-sunod.
Ang mga advanced economy naman ay inaasahang bababa ng 4.2 porsiyento ngayong 2020 at lalago ng 2.9 porsiyento ngayong 2021.
Sa mga nangungunang ekonomiya, lahat ng bansa—maliban sa Taiwan—ay inaasahang kakikitaan ng negatibong paglago sa pagitan ng 1.9 porsiyento (Korea) at minus 2.3 porsiyento (Macao). Habang ang Taiwan ay inaasahang mananatili sa kasalukuyang lebel ang GDP.
Ang ekonomiya ng Australian at Japan ay inaasahang bababa nang 4.2 porsiyento at 5.3 porsiyento ngayong 2020, at lalago ng 3 porsiyento at 2.3 porsiyento sa 2021.
Nasa minus 7.5 GDP ang inaasahan ngayong 2020 para sa mga bansa sa Pacific island at iba pang maliliit na estado at positibong 4.2 porsiyento paglago sa susunod na taon.
Sa grupong ito, tanging ang ekonomiya lamang ng Nauru and Bhutan ang kinakiitaan ng positibong paglago na 0.7 porsiyento at 0.6 porsiyento, habang ang Fiji (minus 21 porsiyento), Maldives (minus 18.6 porsiyento) at Palau (minus 11.4 porsiyento) ay makakakuha ng pinakamalaking pagbaba ng kanilang GDP.
-Anadolu/PNA