SABI nga, the wait is over para sa mga loyal Kapuso viewers ngayong ipagpapatuloy na ng GMA Network ang airing ng internationally-acclaimed series, ang Descendants of the Sun: The Philippine Adaptation, simula ngayong Lunes, October 26. May mga mensahe ang mga lead stars na sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, Ultimate Star Jennylyn Mercado at sina Rocco Nacino at Jasmine Curtis Smith:
“Sa TV audience meron kaming promise na ibinigay sa inyo when we started airing on February 10, 2020, na kukumpletuhin namin ang kuwento,” sabi ni Dingdong. “Kaya ngayon gusto naming i-share sa inyo ang pagbabalik namin, and we are proud to be Kapuso and proud Filipinos so much more.”
“Sobrang excited na ako na people will be able to watch yung pinaghirapan namin ng cast and crew,” sabi ni Jennylyn. “And we hope na patuloy ni Nyong susubaybayan ang kuwento nina Capt. Lucas at Dr. Maxine.”
“I’m proud to be part of a series that has left a significant mark in the entertainment industy,” say ni Rocco. “It’s nice to know that you’re part ng story na tumatak sa puso ng mga tao, hindi lamang sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa.”
“Nakaka-proud maging part ng DOTS, na bukod sa recognition na natanggap nito, but because it’s a timely and relevant series” wika ni Jasmine. “It’s nice that we are able to somehow humanize our frontliners and give them representations. In a way, the series gives them love and comfort while working it because they know that they are seen ang appreciated.”
Sisimulan ngayong gabi ang recap sa pagsisimula ng story hanggang sa huling eksena bago nahinto dahil sa COVID-19 pandemic na pabalik na sila ng Manila mula sa duty nila sa Urdan ay nagkaroon ng malakas na lindol at maraming namatay. Sa November 5, mapapanood ang karugtong ng story, 9:15PM, pagkatapos ng “Encantadia” sa GMA-7.
-NORA V. CALDERON