HINDI inaway, sa halip, maayos na sinagot ni Billy Crawford ang basher na nag-comment ng “Katagalan pag sinubok kayo ng panahon maghihiwalay din kayo ng mama niyan.”

Nag-post kasi si Billy ng photo nila ng baby nila ni Coleen Garcia na si Amari at ang ganda ng caption nito na “Our greatest strength lies in our most gentle moments, Thank you Jesus for your favor,” at doon nga nag-comment ang basher.

Sagot ni Billy, “First of all pag ang Panginoon ang nasa gitna ng relationship mo nothing can stop it. Second, etong panahon natin ng pandemia nag iisip ka pa ng dagdag negatibo sa mundo. May God guide you and keep you and your family safe from harm. Wag kang mag alala ipagdadasal namin ng asawa ko ang kabutihan mo.”

Ayun, inaway ng followers ni Billy sa Instagram ang basher na hindi na nakasagot pa. Naduwag bigla ang netizen na babae pa naman.

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

Nitz Miralles