IBA’T IBANG version ang lumalabas kung bakit nahawa ng COVID-19 sina Alex Gonzaga at ang kanyang mga magulang at kasambahay. Sa isang version, ang sabi, si Alex mismo ang lumabas para kumain at doon na siya nahawa at naipasa niya ang virus sa parents niya at PA.

May isang version naman ang sabi, isang kasama nila sa bahay ang nag-crave ng food, lumabas at pag-uwi, hindi lang food ang dala, pati COVID-19 virus.

Sa napanood namin sa vlog ni Alex, ang sabi nito, may nag-crave ng certain food sa kanila, lumabas para kumain o magpa-take out siguro at pag-uwi, may virus na nga.

Idinetalye ni Alex ang nangyari sa kanila mula nang lumabas ang mga sintomas, sa quarantine nila ng parents niya at kasambahay na nagkasakit din. Hindi nagpa-ospital sina Alex at parents niya, sa bahay lang sila hanggang sa gumaling. Napapanood din sa vlog na kahit naka-quarantine ang parents ni Alex, tuloy ang worship ng kanyang parents.

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

Nabanggit ni Alex na ang ininom na melatonin ang nakatulong para siya’y gumaling at nang mag-negative silang nagka-COVID, ipina-disinfect ang kanilang bahay.

Ang pagkakasakit ang rason kung bakit hindi pa lumalabas sa Laugh Out Loud si Alex. Dahil din sa COVID-19, hindi natuloy ang kasal nila ng fiance niyang si Mikee Morada.

“Hindi ako nagpakita sa show for two weeks , it’s because nagka- COVID po ako and thank God ako ay naka-survive. We are very blessed na naka-survive (namin) ‘yung COVID, natalo namin. Tapos na-realize ko na hindi naman namin matatalo ‘to of course kung kami lang ‘to ng family namin. God healed us, na hindi nararamdaman ng mommy ko, ng parents ko ‘yung lala ng sitwasyon even if they’re senior citizens,” sabi ni Alex.

Hindi na nabanggit ni Alex kung kailan matutuloy ang naudlot na kasal nila ni Mikee, magpapagaling muna siguro sila ng husto dahil pati ang fiance, nagkasakit din.

-NITZ MIRALLES