KUMPLETO na ang line-up ng shows ng Viva para sa last quarter ng 2020. Nagsimula na ang Masked Singer Pilipinas para sa TV5 in partnership with Cignal TV at Sari-Sari Channel. Ang host ay si Billy Crawford at based sa hit Korean show na ang mga celebrities ay naka-costume para itago ang identity sa mga hurado.
Nagbabalik ang Ghost Adventures tampok si Benjie Paras bilang horse whisperer at Empoy Marquez at Kylie Verzosa.
Likha naman Bella Bandida ay likha ni Francisco V. Coching with Ryza Cenon sa title role. Taglay niya ang superpower para labanan ang kasamaan.
Taong 2000 ng tangkilikin ng publiko ang Kagat Ng Dilim. Mga kuwento ng katatakutan at halaw sa Pinoy folklore, myths at urban legends na magsisimula sa Nov. 23.
Sa ONSTAGE ay mga concerts nina Anne Curtis, Sarah Geronimo, JaDine to name a few ang itatanghal. Plantsado na rin ang shows na ipapalabas para sa first quarter ng 2021.
-REMY UMEREZ