WINALIS ng top-ranked teams Family’s Brand Sardines-Zamboanga City Chooks, Uling Roasters-Butuan, Big Boss Cement-Porac MSC, at Nueva Ecija Rice Vanguards ang kani-kanilang pool matches sa ikalawang leg ng 2020 Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 President’s Cup powered by TM nitong Biyernes sa Calamba, Laguna.

Pinangunahan ni Alvin Pasaol ang matikas na 21-13 panalo ng Zambo City laban sa Pasig para manguna sa Pool B.

Ang kasalukuyang No.2 ranked sa 3x3 player sa bansa ay kumama ng pitong puntos para patatagin ang kampanya ng Zamboanga sa torneo na sanctioned ng Games and Amusements Board (GAB) at may basbas ng FIBA 3x3.

“One game at a time pa rin ang mindset namin,” pahayag ng Davao City-native. Impresibo rin si Franky Johnson na naiskor na day-high 14 markers para pangunahan ang Butuan City sa 21-13 panalo kontra Bicol-PAXFUL 3x3 Pro sa Pool C. “We gotta pace. It’s still a long day,” ssambit ni Johnson.

New year, new career-high! Alex Eala, umarangkada bilang rank 49 sa WTA

Nadimina naman ng Nueva Ecija ang Pool A nang gapiin ang Saranggani, 21-16, habang pinulbos ng Porac ang Pagadian City, 21-11.

Makakaharap ng Nueva Ecija ang Bicol, habang mapapalaban ang Porac sa Pasig sa quarterfinals ng torneo na mapapanood sa BEAM TV Ch. 31, Chooks-to-Go Pilipinas’ Facebook page, at FIBA 3X3’s YouTube channel.