NAGHAHANDA na si Kapuso actress Sanya Lopez sa nalalapit na lock-in taping nila ng upcoming GMA primetime series, ang First Yaya. Maraming nagsasabing swak na swak kay Sanya ang character ni Yaya Melody.

sanya

Natuwa naman si Sanya kaya sa interview niya sa GMA Network, inamin niyang malapit sa kanyang pagkatao ang karakter ni Yaya Melody. “Alam niya kung paano hawakan ‘yung isang bagay, ‘yung isang sitwasyon. Si Melody ‘yung parang kahit anong ibigay mo sa kanya pakiramdam mo kakayanin niya. Very positive siyang tao at tiyak na matutuwa ka sa kanya.

“Ako po naman pinag-aaralan kong mabuti ang character ni Yaya Melody, excited ako kasi first time kong gagawa ng isang romcom at makakatambal ko pa for the first time si Gabby Concepcion. Kaya ngayon pa lamang pinaghahandaaan na namin ang lock-in taping namin na magsisimula this November.”

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

Mga seryosong projects nga ang mga unang ginawa ni Sanya sa GMA na nagsimula sa Encantadia na sinundan ng iba pang ma-dramang teleserye kaya talagang ibang-iba itong gagawin niyang project na bukod kay Gabby, makakasama rin niya sina Pancho Magno, Cassy Legaspi, JD Domagoso at si Ms. Pilar Pilapil.

Nora V. Calderon