Naglunsad ng one-day rush application ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) para sa postal identification (ID) cards sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Sa anunsyo ng PHLPost, ang mga residenteng malapit sa Metro Manila Post Offices ay makakukuha ng naturang serbisyo, batay kay Assistant Post Master General at PHLPost officer-in-charge for Marketing and Management Support Services Maximo Sta. Maria III.

“This is only for selected Metro Manila Post Offices upang makasiguro po tayo sa safety ng ating mga aplikante at ganoon din po ng aming mga frontliners,” ani Sta. Maria.

“Ito po ay maaaring matanggap within 10 to 15 days at depende na rin po sa mga protocols or restrictions na ipinatutupad po ng ating gobyerno at ilang LGUs.”

Eleksyon

Isko Moreno, Chi Atienza usap-usapang suportado ng Iglesia Ni Cristo

“Ang PHLPost po ay agad na naglunsad ng programa na tinatawag naming #PusongPhilPost, upang ipaalam at ipahatid namin sa mga kliyente at doon sa mga patuloy na tumatangkilik sa aming serbisyo na kami ay patuloy na naglilingkod at nananatiling aktibo sa paghahatid ,” aniya pa.

-BETH CAMIA