NAGPASIYA ang mga anak ni Ruffa Guiterez na sina Lorin at Venice na sa abroad ipagpatuloy ang kanilang college studies.

Sa madaling salita mawawalay sila sa piling ni Ruffa. Naging emosyonal ang aktres na isa sa casts ng digital series na The House Arrest of Us (a KathNiel starrer which premiered on both KTX.ph at iWant TFC on Oct 24)

“We are very grateful and appreciate everything you do. Even if we don’t show it. We love you so much,” sinabi ng kanyang mga anak sa isang video message.

Pinuri ni Ruffa ang mga anak dahil never siyang binigyan ng sama ng loob ng mga ito.

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

At ang payo niya kina Lorin at Venice sa sandaling kumatok ang tawag ng pag-ibig.

“Pumili kayo ng lalaking mamahalin kayo. Iyong mabuti at God-fearing para when you get married, your marriage will be forever.”

Hindi man naging happy ending ang pagsasama nina Ruffa at former husband Yilmaz Bektas. Malaking blessing for her ang magkaroon ng dalawang magagandang anak.

-REMY UMEREZ