Ang ahensya ng pagkontrol sa sakit ng EU noong Biyernes ay sumali sa naghuhumpaw na pangangalampag ng mga manggagawa sa kalusugan sa buong Europe tungkol sa pagdagsa ng mga impeksyon sa coronavirus habang nagbabala ang World Health Organization ang isang “exponential” na pagtaas ng mga kaso.

europe

Maraming mga bansa sa Europe ang nag-uulat ng mga antas ng impeksyon na mas mataas kaysa sa unang alon ng pandemya noong Marso at Abril.

Sinabi ng WHO na ang hilagang hemisphere ay nakaharap sa isang kritikal na sandali sa paglaban sa pandemya.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“Too many countries are seeing an exponential increase in Covid-19 cases and that is now leading to hospitals and intensive care units running close to or above capacity -- and we’re still only in October,” sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus sa isang virtual press conference.

Sa buong planeta, ang Covid-19 ay pumatay na ng 1.1 milyong katao - halos isang ikalimang bahagi ay sa United States- at nahawahan ang halos 42 milyon.

Sa Europe, nagpapataw ang mga gobyerno ng mga kagyat na bagong paghihigpit sa pang-araw-araw na buhay, kasama ang France na nagpalawak ng curfew upang masakop ang 46 milyong katao, at ang Ireland na muling nag-lockdown.

The continuing increases in Covid-19 infections... pose a major threat to public health, with most countries having a highly concerning epidemiological situation,” sinabi ni Andrea Ammon, director of the European Centre for Disease Prevention and Control (ECDC).

Sinabi ng ahensya na ang lahat ng mga bansa sa EU maliban sa Cyprus, Estonia, Finland at Greece ay nahulog sa kategorya ng “serious concern”, gayundin ang United Kingdom.

Ang Brussels at Wallonia na ngayon ang sentro ng panibagong krisis sa Europe.

“We’re losing. We’re overwhelmed. We’re bitter,” sinabi Benoit Misset, head ng intensive care unit sa University Hospital sa Belgian city ng Liege, kung saan ang ilan sa kanyang mga tauhan ay kinakailangang magtrabaho sa kabila ng pagiging positibo sa Covid —kung sila ay asymptomatic o walang sintomas. Sa France, nagbabala ang boss ng grupo ng pampublikong ospital sa Paris na AP-HP na ang pangalawang alon ay maaaring maging mas masahol kaysa sa una.

“There are many positive people, infectious, in the streets without knowing it and without anyone else knowing it,” sinabi ni Martin Hirsch sa French radio. AFP