SA pagbabalik ng aksiyon sa Universal Reality Combat Championship (URCC), kabilang muli ang actor na si Kiko Matos. Ngunit, walang Baron Geisler na makakaharap.

Ngunit, asahang kontrobersyal ang duwelo dahil ang pamosong FlipTop rapper na si Damsa ang makikipagbuno kay Matos sa ibabaw ng ring sa premyadong mixed martial arts championship sa bansa.

Sa panayam sa Sports on Air via Zoomcast, tinanggap ni Matos ang hamon ni Damsa matapos umatras sa laban ang orihinal nitong karibal na si Badang.

“Kung gusto niya ako labanan… Game! Pero hindi ito fliptop battle. This is MMA,” pahayag ni Matos.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

“Damsa, magpakita ka! Kung hinahamon mo ako, magpakita ka sa December 5. Dahil sigurado ako na nandoon ako. Game ako.”

Bago pa man lumagda ng kontrata sa URCC, nailabas na si Damsa sa kanyang social media account ang paghahamon kay Matos.

“Confirmed pala, ‘O Sige, Game! Let’s do this,” sambit ni Matos sa posts ni Damsa sa FaceBook.

“Talagang desididong tao ito, eh. Ewan ko ba sa mga fliptop rappers na ito kung ano pumasok sa utak nila, siguro sa tagal ng lockdown, siguro may COVID na utak nila, ngayon gusto pumasok sa MMA?”

Hindi estranghero sa URCC si Matos na dalawang ulit sumagupa sa korntrobersyal na laban kontra kay Giesler noong 2016. Lumaban din siya kay Billy Jack Sanchez.

Hindi kaila sa actor-turned-MMA fighter na may karanasan na rin si Da,sa sa martial arts.

“Kahit nanay ko marunong nga makipag-away, eh” sambit ni Matos.

“Ang alam ko, boksingero siya. Nag-background check na ako kung sino siya,” he said. “Boxing pero MMA pinasok niya. Hindi lang ito throw of hands. May kicks dito at may grappling dito.”

“Si Damsa, boksingero. Ako, grappler. I do things on the ground. Kung baga, imagine niyo, pagdating sa sahig iyon ang karagatan at ako ang pating. Kapag pumasok siya sa mundo ko, sa sahig, siguraduhin niyang aahon siya. Kasi kung nasa sahig kami, (explicit) kainin ko siyang buhay.”

Inihayag ni URCC founder Alvin Aguilar ang pagbabalik ng URCC sa Disyembre 5 matapos payagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang boxing at combat sports promotions batay sa rekomendasyon ng Games and Amusements Board (GAB).