CAGAYAN – Tatlo pa ang huling naiulat na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Tuguegarao City sa nasabing lalawigan.

Ito ang kinumpirma ng Cagayan Provincial Information Office (CPIO) nitong Biyernes.

Binanggit nito na ang dalawang pulis na kapwa nakatalaga sa Police Regional Office-Region 2 ay nahawa sa pasyenteng si CV 2500 na kapwa rin nila pulis at taga-Poblacion, Baggao sa nasabing probinsya.

Ang ikatlong tinamaan ng sakit at itinago sa pangalang CV 2577 na isang mekaniko na taga-Bgy. Capatan sa Tuguegarao City ay walang travel history at hindi rin mabatid kung paano nahawa sa virus.

Probinsya

27-anyos sa Lapu-Lapu City natuli na, may ₱10k pa!

Sa kasalukuyan, aabot na sa 118 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan, ayon pa rin sa CPIO.

Liezle Basa Iñigo