BEIJING (AFP) — Nag-isyu si President Xi Jinping ng matalim na babala nitong Biyernes sa mga potensyal na “invaders” ng military resolve ng Beijing, sa pagsasalita niya sa ika-70 anibersaryo ng pagsabak ng kanyang bansa sa Korean War, ang tanging panahon na nilabanan ng mga puwersa ng China ang mga karibal ng US.

Xi (AFP)

Xi (AFP)

Sa isang mahabang talumpati, mabigat sa pagkamakabayan at binudburan ng mga anekdota ng kabayanihan ng mga puwersang Tsino, sinabi ni Xi na ang tagumpay sa digmaan noong 1950-53 ay isang paalala na handa ang kanyang bansa na labanan ang sinumang lumilikha ng gulo “on China’s doorstep”.

Madalas na ginagamit ng Beijing ang mga anibersaryo ng digmaan upang magbato ng mga babala sa US kaugnay sa lakas ng militar ng “new China”.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ang Korean War ay isang pangunahing kwento ng pundasyon para sa naghaharing Communist Party, na sa mga nakaraang taon ay naging target ni US President Donald Trump, sa isang mapait na iringan na sumasaklaw sa kalakalan, teknohiya, karapatang pantao at ang katayuan ng Taiwan, na sinabi ng China na isang hindi maagaw na bahagi ng mainland.

“Chinese people don’t create troubles, nor are we afraid of them,” sinabi ni Xi sa gitna ng mga palakpak.

“We will never sit back and watch any damage to our national sovereignty... and we will never allow any force to invade or divide the sacred territory of the motherland.”

Nitong Miyerkules, inihayag ng Pentagon na pumayagsilang ibenta ang higit sa isang bilyong dolyar na halaga ng mga missile sa Taiwan, ang pinakamahigpit na potensyal na flashpoint sa mga puwersa ng US.