Sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto nitong Biyernes na ang Commission on Election (Comelec) ay mangangailangan ng hindi bababa sa P2 bilyon upang magsagawa ng dalawang araw na halalan sa 2022.

Sa isang pahayag, sinabi ni Recto na ang isang “dagdag na araw” para sa Mayo, 2022 local and national polls ay mangangailangan ng karagdagang gastos na P2 bilyon hanggang P2.5 bilyon, kung iko-compute lamang ang honorarium na ibibigay sa mga guro na magtatrabago sa halalan

“If we simply double the 2019 honorarium rates of the three members of the Board of Election Inspectors or BEI, then that would be the cost,” sinabi ni Recto.

Ang kanyang tantya ay doble sa projection ng Comelec sa budgetary requirement nito upang maisakatuparan ang plano.

Trillanes, iginiit na 'wala sa katinuan' si VP Sara

Sa pagdinig ng Senado nitong Huwebes sa panukalang P14.56-bilyon na iminungkahing pondo ng poll body sa 2021, inihayag ni Comelec Chair Sheriff Abas na nagsisikap silang magsagawa ng dalawa o tatlong araw na pagboto upang maiwasan ang pagsisikan sa polling precincts, lalo na kung ang banta ng COVID -19 ay nagpapatuloy pa rin.

Sinabi ni Abas na karaniwang nagtatabi ang Comelec ng hindi bababa sa P1 bilyon upang magbayad para sa mga guro pati na rin ang mga tauhan ng pulisya at militar na ilalagay sa araw ng halalan.

“Magdo-doble po kami ng bayad sa mga teachers and so on...Kung mag-two or three days po tayo malamang twice or thrice ang madadagdag sa amin plus syempre ‘yong iba pang gastos na pwedeng madagdag,” aniya sa mga senador.

Gayunpaman, sa kanyang pagtantya, sinabi ni Recto na sa halalan 2019, ang mga BEIsa bawat presinto ay binayaran ng P19,000, P6,000 para sa BEIchairman, at tig-P5,000 para sa poll clerk at pangatlong miyembro. Nabigyan din umano sila ng travel allowance na P1,000.

“If you have to roll over the P19,000 per precinct and multiply this by 110,000 [precincts], aabot ng mga P2.1 billion,” ani Recto.

Idinagdag niya na ang guro ay bumubuo lamang ng kalahati ng mga tauhan na ipinakalat ng Department of Education sa panahon ng halalan.

“Yung teachers sa BEIin 2019 mga 258,000 lang. Pero ang total deployment ng DepEd ay about 531,000. Ito ang binayaran ng Comelec for their support and supervisory work, which ranged from P2,000 to P4,000,” sinabi ni Recto, tinukoy ang data mula sa Comelec.

“Hindi pa kasama ang mga pulis dito. If you deploy an average of one per clustered precinct, then you will be mobilizing half of the country’s police force, which on paper is 194,988,” dagdag niya.

Hiniling ni Recto sa Comelec na maglabas ng contingency plans sakaling mayroon pa ring coronavirus hanggang 2022.

“Even if it will be held on the tail end of the pandemic, we have to make sure that voting will not be hazardous to the voter’s health,” ani Recto.

“Just the same, let us be prepared. Let us also plan in advance, make studies on how, for example, mail voting can be exercised by the disabled, elderly, and the sick. Hindi para sa susunod na election pero baka,” wika niya.

-Vanne Elaine P. Terrazola