SINABI ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino na handa siyang talakayin sa Executive Board ang mabibigat na isyu patungkol sa bilyong pondo na ginastos ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) sa nakaraang Southeast Asian Games sa Pilipinas.

“Tatawag ako ng POC executive board meeting sa susunod na linggo para sa election guidelines updates at iba pang mga bagay, kabilang ang isyu sa PHISGOC issue,” ani Tolentino.

Nais ng pitong miyembro ng executive board sa pamumuno ni Chairman Steve Hontiveros na maglahad ang PHISGOC ng isang financial report matapos mag-host ang bansa sa 30th SEAG noong Disyembre 2019.

Ang ibang kasapi ng lupon ay sina first vice president Joey Romasanta, second vice president Jeff Tamayo, treasurer Julian Camacho, auditor Jonne Go at board members Robert Mananquil at Clint Aranas. Kalaban ni Tolentino si Aranas sa pagka-pangulo sa POC lection sa Nobyembre 27.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Ayon sa grupo ni Hontivers, ang report ng PHISGOC ay overdue na sapul nang itakda ang deadline nito noong Oktubre 10. Bukod sa mga isyu sa PHISGOC, tatalakayin din ng POC ang mga bagay hinggil sa eleksiyon.

Hinirang ng POC kamakailan si University of the Philippines (UP) president Danilo Concepcion kapalit ni Valenzuela Rep. Eric Martinez, sa tatlo-kataong election committee. Ang iba pang mga miyembro ay sina Atty. Teodoro Kalaw IV at dating International Olympic Committee representative Frank Elizalde.

-Bert de Guzman1