Sinagot na ni Super Tekla ang mga akusasyon ng kanyang live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag sa isang video na in-upload ng GMA-7 sa YouTube.

Emotional si Tekla habang nagsasalita at nabanggit na sensitive issue ang mga inilabas ni Michelle na dapat pinag-usapan lang sa pamilya.

“Binabato mo ako ng isyu na pinipilit kita sa ganyang bagay- usapin natin Michelle ‘yan, usapin ng pamilya ‘yan. Isang napakasensitibong usapin ‘yan Michelle. Sana man lang nag-isip ka. Pinag-isipan mo kung ano ang maapektuhan,” panimula ni Tekla.

Itinanggi ni Tekla ang mga isiniwalat ni Michelle na kabastusang ginagawa diumano niya rito.

Tsika at Intriga

Elijah Canlas, Miles Ocampo plano nang magpakasal?

“Hindi totoo ‘yan, ako nasa tamang katinuan pa naman, hindi ko magagawa ‘yan Michelle. Utang na loob may anak akong babae Michelle, si Aira, may mga kapatid akong babae... Mahirap lang kami Michelle, sa bukid. Alam mo ang background ng family ko.”

Sinabi ni Tekla na siya ang nag-a-adjust sa kanilang relasyon.

“Parte ng pagsasama natin, ‘yan Michelle na ipinagkakait mo sa akin. Parte ng pagsasama natin ‘yan Michelle na ipinagkakait mo sa akin. Ginagawa mo akong tanga at timawa d’yan, ‘yun ang totoo, pero nag-a-adjust ako kasi nanay ka ng anak ko eh,” aniya.

Nilinaw din ni Tekla ang akusasyon ni Michelle na hindi niya ginagawa ang financial duties niya sa pamilya nito. Hindi raw niya binibigyan ng pera si Michelle, kaya nagugutom ang kasama nila sa condo unit na kapatid at mga pamangkin ng huli.

“Hindi ko kayo pinapagutuman, alam mo ‘yan. Alam n’yo ‘yam Shabi, alam n’yo yan Enrico, lahat naglaan pa ako ng GCash para sa inyong lahat para anytime hindi na lalabas dahil pandemic,” patuloy ni Tekla.

Itinanggi rin ni Tekla ang akusasyon na pinabayaan niya ang anak nila ni Michelle na si Baby Angelo na inoperahan dahil ipinanganak with anorectal malformation.

“Siya ang hindi pumupunta sa ospital. Ako, kani-kanino ako lumapit ng tulong para maligtas yang batang diyan dahil hindi mo inalagaan iyan sa sinapupunan mo. Alam mo ang kuwento niyan,” diin niya.

Kasunod na itinanggi ni Tekla ang isyung gumagamit siya ng illegal drugs at sinabi na willing siyang magpa-drug test para patunayang nagsasabi siya ng totoo. Inamin ni Tekla na na-shock siya sa tell-all interview ni Michelle kay Raffy Tulfo sa programang Raffy Tulfo in Action.

“Hindi pa nagsi-sink in ‘yun sa utak ko na gagawin ‘yun sa akin. Unang-una, wala akong kaalam-alam, plinano nilang lahat... kung titingnan mo yung video, wala akong kaalam-alam.”

Sa huli, ang mensahe niya sa dating kinakasama: “Michelle, karapatan mo yun, karapatan mo yun, nung una pa lang. Binlock n’yo na ako sa Facebook , wala akong idea nagkalabuan tayo. Gusto mong makipaghiwalay sa akin. Hindi ko pinagsisiksikan yung sarili ko sa inyo Michelle. Alam mo yan sa sarili mo. Alam mo yan, Michelle. Six years. Magsi-six years, anim ko kayong inaruga. Six years, wasted lahat.”

-NITZ MIRALLES