Nag - react ang ilang celebrities sa “warning” ni si Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, kina Liza Soberano at Catriona Gray kaugnay sa diumano’y pagsuporta ng mga ito makakaliwang grupo.
Agot Isidro: “This sounds like a threat.”
Frankie Pangilinan: “Why are men so fragile and insecure.”
Jasmine Curtis-Smith: “I stand with Liza Soberano, Catriona Gray, Angel Locsin, and Gabriela. To all those speaking up for the rights and welfare of women and girls (or anyone else), keep on going!!! THIS IS NEEDED.”
Angel Locsin: “A man calling out a woman on how she should advocate women’s rights. How 1920s.”
Sa pamamagitan naman ng isang post sa Instagram ay nilinaw ni Angel ang pahayag ng militar na isang ‘underground’ member ng NPA ang isa niyang kapatid na babae.
“ Happy birthday sa bunso namin @ angelocomenares” post ni Angel sa family picture nila having dinner, at sa ibaba ay may nakasulat din na, “with our controversial sister na nasa underground daw sa quezon.”
Kamakailan lamang ay nagpahayag si Parlade, na nasa underground si Ella Colmenares. Pero, lumalabas sa IGpost ng aktres na nasa bahay lang ito ng kanilang ama at kasamang nag-celebrate ng birthday ng brother nila.
-Nitz Miralles