Inamin ni Kapuso star Bianca Umali na na-challenged siya nang i-offer sa kanya ng Magpakailanman ang buhay n i Lairca Nicdao, ang Pinay na gold medallist sa Women’s Junior Single Class 1 event ng 2019 World Para Dance Sport Championships na ginanap sa Bonn, Germany.

bianca

Tinanggap ni Bianca ang role kahit alam niyang mahirap ito. Si Lairca kasi ay anim na taong gulang pa lamang nang maputulan ng paa dahil sa bone cancer. Pero hindi ito naging dahilan para abutin niya ang pangarap na makilala sa larangan ng Para Dance Sport.

Kaya si Bianca, hindi b i r o a n g pagsasanay n a n g gampanan ang role ni Lairca na putol ang paa at sumali sa dance sport hanggang sa tanghaling champion.

Relasyon at Hiwalayan

Rayver Cruz, todo-bigay kapag nagmahal

Makakasama ni Bianca sina Nikki Co at Dave Bornea sa episode na “Sayaw ng Buhay: The Lairca Nicdao Story,” ngayong Sabado, 8:15 PM sa #MPK.

-NORA V. CALDERON