Ang nagwaging 2020 Cinemalaya Special Jury Prize na “Ang Pagpakalma sa Unos” ay hinirang bilang Best Documentary short sa 29th Hot Springs Documentary Film Festival.
Ipinahayag ito ng Cinemalaya sa isang post sa Facebook, nitong Martes.
“Another win for Joanna Vasquez Arong’s Ang Pagpakalma sa Unos! The Cinemalaya 2020 Special Jury Prize winner won best documentary short at the 2020 Hot Springs Documentary Film Festival! Congratulations Direk Joanna and the team!,” nakasaad sa post.
Ginanap ang festival sa Arkansas, United States na tumakbo mula Oktubre 9 hanggang 17.
Ang “Ang Pagpakalma sa Unos (To Calm the Pig Inside),” na isinulat din ni Arong, ay isang pagmumuni-muni sa mga epekto ng bagyo sa isang port city na nakatali sa alaala ng isang batang babae sa kanyang lola at ina.
Ang pelikula ay nakatakda ring makipagkumpitensya sa 2020 International Documentary Film Festival sa Amsterdam sa susunod na buwan.
-RICHA NORIEGA