Isang volunteer na kasali sa clinical trials ng bakunang COVID-19 na binuo ng Oxford University ay namatay sa Brazil, inihayag ng mga opisyal nitong Miyerkules, ngunit sinabi ng media na tumanggap siya ng placebo, hindi ang sinusubok na bakuna.
Ito ang unang pagkamatay na naiulat sa iba’t ibang mga pagsubok sa bakuna sa coronavirus na nagaganap sa buong mundo.
Gayunpaman, sinabi ng organizers ng pag-aaral na ang isang independiyenteng pagsusuri ay napagpasyahan na walang mga alalahanin sa kaligtasan at ang pagsubok ng bakuna, na binuo kasama ng firm ng gamot na AstraZeneca, ay magpapatuloy.
Sinabi ng mga ulat sa media na ang boluntaryo ay isang 28-taong-gulang na doktor na nagtatrabaho sa frontlines ng pandemic na namatay sa mga komplikasyon ng COVID-19.
Iniulat ng pahayagang Globo ng Brazil at ng international news agency na Bloomberg na nasa control group siya at nakatanggap ng isang placebo sa halip na ang test vaccine.
“Following careful assessment of this case in Brazil, there have been no concerns about safety of the clinical trial, and the independent review in addition to the Brazilian regulator have recommended that the trial should continue,” saad sa pahayag ng Oxford.
Sinabi ng AstraZeneca na dahil sa medical confidentiality ay hindi ito maaaring magbigay ng mga detalye sa anumang indibidwal na boluntaryo, ngunit ang independiyenteng pagsusuri ay hindi humantong sa “any concerns about continuation of the ongoing study.”
Kinumpirma ng pambansang regulator sa kalusugan ng Brazil, ang Anvisa, na naabisuhan ito tungkol sa kaso noong Oktubre 19.
Ang D’Or Teaching and Research Institute (IDOR), na tumutulong sa pag-ayos ng mga pagsubok sa Brazil, ay nagsabi na ang independiyenteng pagsusuri “raised no doubts about the safety of the study, and recommended it continue.”
Noong Setyembre, kinailangang suspindihin ng Oxford at AstraZeneca ang pagsubon sa bakuna nang nagkaroon ng hindi maipaliwanag na karamdaman ang isang boluntaryo sa Britain.
Ipinagpatuloy ang mga pagsubok pagkatapos ng sabihin ng British regulators at isang independent review na ang sakit ay hindi isang epekto ng bakuna.
Kalahati ng mga boluntaryo sa pang-huling yugto ng clinical trial - isang double-blind, randomized, controlled study - ay makatanggap ng placebo, sinabi ng IDOR.
Halos 8,000 mga boluntaryo na ang nabakunahan sa Brazil, at higit sa 20,000 sa buong mundo, sinabi nito.
Ang mga kalahok sa pag-aaral ay dapat na mga doktor, nars o iba pang mga manggagawa sa sektor ng kalusugan na regular na humaharap sa virus.
Ang namatay na boluntaryo ay isang batang doktor na nanggagamot sa mga pasyente ng COVID-19 mula noong Marso sa mga emergency room at mga intensive care unit sa dalawang ospital sa Rio de Janeiro, sinabi ng Globo.
Nagtapos siya sa medical school noong nakaraang taon, at nasa malusog na kalusugan bago ang sakit na ito, sinabi ng pamilya at mga kaibigan sa pahayagan.
-Agence France-Presse