WASHINGTON (AFP) — Sinabi ng gobyerno ng US nitong Miyerkules na inaprubahan nila ang pagbebenta ng $1 bilyong halaga ng mga advanced air-to-ground missile sa Taiwan habang sinusubukan ng isla na palakasin ang mga depensa nito laban sa China.

Ang halimbawa ng air-to-ground missiles ng United States na bibilhin ng Taiwan. (AFP)

Ang halimbawa ng air-to-ground missiles ng United States na bibilhin ng Taiwan. (AFP)

Sinabi ng State Department na sumang-ayon silang ibenta ang 135 ng mga precision-guided, air-launched AGM-84H SLAM-ER cruise missiles.

Naaprubahan din ang pagbebenta ng anim na MS-110 air reconnaissance pods at 11 M142 mobile light rocket launcher na ang halaga ng three arms packages ay umaabot sa $1.8 bilyon.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Tutulungan ng SLAM-ER missiles ang Taiwan na “meet current and future threats as it provides all-weather, day and night, precision attack capabilities against both moving and stationary targets” sa ibabaw ng lupa o karagatan, sinabi sa isang pahayag.

Sinabi ng defense ministry ng Taiwan na ang mga sandata ay makakatulong dito sa pagtayo ng “credible combat capabilities and strengthen the development of asymmetric warfare”.

Ang inihayag na benta nitong Miyerkules ay hindi kasama ang MQ9 Reaper combat drones, na hiniling din ng Taiwan.