Birthday ni Boss Vic del Rosario, CEO ng Viva Group of Companies, sa Lunes (Oct 26) at maagang birthday gift ang ipinagkaloob as multimedia producer mula sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.
Mula sa recording business ay matagumpay na pinasok ni Boss Vic ang pag-produce ng pelikula.
Blockbuster hit ng Metro Manila Filmfest last December ang Miracle in Cell No 7. na ang bida ay si Aga Muhlach at ang batang si Xia Vigor. Sila ang hinirang na Box King and Queen sa 51st Guillermo Mendoza Awards. Tila ngayon lamang nangyari na bata ang nagwagi as Box Office Queen.
Ang best supporting actress for TV ay napunta kay Yassi Pressman. Habang ang best actress for movies ay natamo ni Bela Padilla. Ang mahusay na scripwriter, singer and comedianne Kim Molina, who scored a big hit sa pelikulang Jowable ay tinanghal as the most promising ng (GMMSF).
Ang aming pagbati sa mga nagwagi na very deserving sa tinanggap na awards.
-REMY UMEREZ