INAASAHAN ang matikas na labanan sa pagitan nina Grandmasters Mark Paragua at Darwin Laylo sa pagtulak ng 2nd Marinduque Online Chess Tournament sa Oktubre 30, 2020, Biyernes sa ganap na 7pm sa lichess.org.

Ang one-day blitz event (5 minutes time control format) na suportado ng Marcopper High School Batch 86 sa gabay nina Mr. Rico Paras ng Michigan, USA at Engr. Macario Pelaez ng Medina, Misamis, Oriental ay may nilatag na premyo na P3,000 sa magkakampeon habang ang next four chessers ay magbubulsa ng tig P2,000, P1,000, P700 at P500, ayon sa pagkakasunod.

May nakalaan din na P500 cash prizes para sa category winners na Top Executive (PECA Member), Top Kiddie (12 years old and below), Top Junior (18 years old and below), Top Senior (60 years old and above), Top Lady, Top Marinduqueno at Top Marinduquena.

“We do this to promote chess in the grass roots level and to discover future chess talents from Marinduque,” sabi ni PECA President Dr. Fred Paez na nanguna sa pagdaos ng online competition katuwang ang Marinduque Chess Association.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang iba pang chess stars sa competition ay sina Fide Master Alekhine Nouri, National Master Elwin Retanal, Ellan Asuela, Johann Cedrick Gaddi, Gary Abano, Tino Laurio, Leo Rabulan at defending champion Sherwin Tiu.